EDSA 2001: People Power II Ang kasaysayan ng pagtiwalag ng ika-13 pangulo ng Pilipinas, si Joseph Estrada
Ang Alamat Ng Maragtas Pagsuri ng katotohanan o balatkayo na bumabalot sa kasaysayan ng pagdating ng 10 datu sa Panay mula Borneo nuong bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas.
Jose Rizal, Bayani Ng Pilipinas Ang buhay ni Jose Rizal, at tula, sinulat ng mga nag-aaral ng Tagalog sa University of Pennsylvania, sa America.
Balintuna At Paralelismo Mga magkatugma at magkasalungat na mga pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas, tungkol kay Andres Bonifacio, Antonio Luna, Daniel Tirona at ang magkapatid na Paciano at Jose Rizal.
Jose Rizal, Pahina Na Ukol Sa Kanya Gunita ng Isang Manok, Pagdalaw ni Jesus sa Pilipinas, Sa Pamamagitan ng Telepono, at iba pang mga katha ng bayani ng bayan, mula sa Cavite State University.
Makulay Ang Kasaysayan Ang simula ng mga pahayagan at mga kolehiyo at iba pang mga pangyayari sa Pilipinas.
Karahasan Sa Istoria Ng Pilipinas Kasaysayan ng pagdadala ng karahasan sa kapuluan ng mga tao na walang katuwiran, sinulat ni Guillermo Gomez Rivera, academic coordinator ng Academia Filipina sa Manila.
Mabini , Utak Ng Himagsikan Buhay ng dakilang bayani, Apolinario Mabini, nagtaguyod ng himagsikan at ng paglaban sa pagsakop ng mga Amerkano sa Pinas.
Ang Pag-aalsa Sa Aklan Kasaysayan ng pagbuo ng Katipunan sa Aklan, sa pulo ng Panay, at ang pagsakop sa maliit na nayon ng Lilo-an, sa Malinaw, Aklan, mula sa pamahalaan ng Espanyol.
Don Claro Ang buhay ni Claro Mayo Recto, makabayang nagbigay ng pangalan sa mahabang lansangan sa Manila, - mahilig sa Espaniol, galit sa Amerkano.
Kalaban Sa Bicol Maikling Bahagi ng Pakikibaka sa Bicol, ang mga bayani at ang mga collaborators ng Himagsikan nuong 1896, ng digmaan laban sa America nuong 1899, at nuong panahon ng Hapon. Mula sa Tinig.com.
Mabini, Ministro Sa Isang Bahay Kubo Ang mga karanasan na naghubog sa pagkamagiting ni Apolinario Mabini, ang utak ng Himagsikan, at sa pananatili niyang dukha sa harap ng kanyang kapangyarihan.
Balik Tanaw Sa Timog Katagalugan Mga makasaysayang pook sa Laguna, Cavite at Batangas. Mula sa U.P. Centennial Celebrations 1998 Web Site.
Mga Kuwento Ni Lolo Mga pamanang kasaysayan ng isang taga-Ibaan, Batangas, tungkol sa buhay-buhay nuong panahon ng Amerkano.
EDSA 3: Tanaw Mula Sa Loob Karanasan ng isang sumalungat sa mga demo na sumugod sa Mendiola upang ibagsak si Pangulo Gloria Macapagal Arroyo.
Mga Bakas Ng Isang Bayani Ang buhay ni Jamino L. Balaquiao Jr., pambato ng mga kabataang makabayan sa Ateneo de Naga, na naging revolusiyonaryo.
Himagsikan Ng Mga Pilipino, ni Apolinario Mabini La Revolucion Filipina, sinulat ng dakilang bayani. Ang pasimula at dahilan kung bakit nasawi ang himagsikan sa Pilipinas nuong 1898. Isinalin sa Tagalog mula sa pag-English ni Leon Ma. Guerrero.
Lapu-Lapu: Unang Tagapagtanggol Ng Kalayaan Abril 27, 1521, ang araw ng pagpatay ni Lapu-Lapu kay Ferdinand Magellan ay dapat tanghaling pambansang araw ng pagdiriwang (national holiday), ayon kay Roland G. Simbulan
Paciano, Ang Limot Na Rizal Naging sikat na bayani si Jose Rizal dahil sa kapatid, si Paciano Mercado Rizal, kaibigan ni Padre Jose Burgos, at masigasig na katipunero. Ni Daniel Mendoza Anciano.
Jose Rizal: Ang Buhay, Mga Ginawa At Mga Sinulat Pinaka-completo at pinakadetalyang ulat ng buhay ng bayani ng bayan, kasama pati ang pagkasawi niya kay Leonora Rivera at ang karanasan niya kay Josephine Bracken.
Kababaihan Ayon Kina Bonifacio, Jacinto At Mabini Ang himagsikan ang nagbigay daan sa pagmulat ng kababaihan tungo sa adhikaing labas sa personal at pampamilyang pag-iisip. Ni Maria Luisa T. Camagay.
Sultan Ng Luzon Talumpati ni Rajah Baguinda nuong 1380 matapos gapiin si Datu Gambang ng Manila sa 2 ulit na paglusob sa Luzon, ang tinawag nuong Selurung. Isinalin sa Tagalog ni Clodualdo del Mundo.
Kartilya Ng Katipunan Mga Pang-aral ng kabutihan asal na sinulat ni Emilio Jacinto, ang Utak ng Katipunan.
Sigalot Ng Kaunlaran: Ang Karanasan Ng Pilipinas Pagsuri kung paano nawalan ng mga lupa ang mga ninuno ng mga katutubo sa ilalim ng Espanyol at ng Amerkano. Sinulat nina Gerardo Gobrin at Almira Andin ng Minority Rights Organization. Sa PDF.
Limang Taon Ng Pakikibaka Mga tagumpay at pagsulong ng kampanya laban sa pagbawas sa sahod ng mga Pilipinong nagta-trabaho sa Hongkong
Kaharian Ng Espanyol Sa Pilipinas Ang mga governador general ng Pilipinas at mga arsobispo sa Manila nuong panahon ng Espanyol, ang kanilang pag-aaway at patayan.
Mga Alaala Ng 9 -11 Isang balik-tanaw sa karanasan ng mga kamag-anak ng mga Pilipinong nadamay sa pagsabog sa World Trade Center sa New York nuong Septiembre 11, 2001. Ni Karen Davila.
Magkatulad Na Trahedya Sa Cavite At Sa Cabanatuan Inamin ilang ulit Emilio Aguinaldo na siya ang nagpapatay kay Andres Bonifacio, sa Cavite, at kay Antonio Luna, sa Cabanatuan. Ni Daniel Mendoza Anciano ng Cavite University.
Mga Bayani ng Mindanao Lumaban sila sa pagsakop ng pagsakop ng mga Espanyol - sina Sultan Kudarat, Magat Salamat at Prinsesa Purmassuri.
Jose Rizal: Mga Tuligsa At Pagsusuri Pagtingin sa mga ulat nina Adrian Cristobal, Jose Ma. Sison, Dolores S Feria, atbp. tungkol kay Jose Rizal at ang mga sinulat niya. Mula sa mga istudyanteng sapi sa PI100 ng University of the Philippines.
Mga Gurong Amerkano sa Cavite, 1898-1913 Ginamit ng mga Amerkano ang aralang bayan upang maibuklod ang Pilipinas sa pagsakop ng America. Talakay ni Emmanuel Franco Calairo.
Ang Colegiala At Ang Insurrecto Si Leonor Rivera bilang Maria Clara, at si Josephine Bracken bilang Salome, ang kapuso ni Elias, sa panulat ni Jose Rizal. Sanaysay ni Dolores S. Feria na kinuro ni Sandy Caagbay ng University of the Philippines.
Rizal At Si Jose Burgos Iminulat ni Paciano Mercado ang kapatid na Jose sa mga panulat ng martyr na pari, na tinularan nito sa pag-iisip at panulat. Sanaysay ni Petronilo B. Daroy na sinuri ni Jonathan Ross Fauni.
Rizal: Ang Hamlet Ng Tagalog Gaya ni Hamlet, si Rizal ay mahiyain, mahilig mag-isa at umiwas sa marahas. Sanaysay ni Miguel de Unamuno y Jugo, manunulat na Espaniol, sinuri ni David Perez.
Rizal: Panulat At Politica Sanaysay ni Adrian Cristobal tungkol sa paggamit ni Jose Rizal ng panulat upang maitaguyod ang kanyang adhikain sa politica. Sinuri ni Adrian Villaflor ng UP.
Rizal: Elias, Kabutihang Asal Sa Himagsikan Ang halaga ni Elias, ang lalaking makapagpapasimuno sa himagsikan, sa paningin ni Jose Rizal. Sanaysay ni Adrian Cristobal na kinuro ni Jose Alfonso C. Miras.
Rizal: Nagkakamali Ang Simbahan Sa kanyang sulat kay Pablo Pastells, frayleng Jesuit, at dating guro niya sa Ateneo, sinalungat ni Jose Rizal ang pangaral ng Simbahan na hindi ito nagkakamali tungkol sa religion. Pag-usisa ni Eugene Hessel, Malaya Vene at M. Sacopla.
Conquistador Ng PINAS Ang mga sumakop, at mga nagtangka, sa Pilipinas: Brunei, Portuguese, Espanyol, Intsik at Dutch. Kasali na ang pagtuklas sa Pilipinas ng mga Portuguese bago dumating si Ferdinand Magellan, at ang pagsakop sa Manila ng Muslim.
Ninuno Mo, Ninuno Ko: Mga Taong Ligaw Chu Fan Chih, ang unang ulat tungkol sa Pilipinas, sinulat ni Chao Ju-kua 300 taon bago dumating ang mga Espanyol.
Pedro Chirino: Ang Mga Unang Pilipino Relacion delas Islas Pilipinas, ang paglarawan ng mga Pilipino nuong 1590-1602 ng frayleng Jesuit na magiliw sa mga tao at natuto ng Tagalog, Cebuano at Waray-Waray.
Sa Likod Ng Pambansang Watawat Ang 3 bituwin ay pahiwatig ng mga pulo ng Luzon, Mindanao at Panay. Ito at iba pang katotohanan tungkol sa pambansang sagisag ng Pilipinas.
Pilipinasyon Sa Ateneo Nuong 1968 nagsimula ang pagtanghal ng Pilipino sa palakad at layunin ng Ateneo University, kasama na ang paglagak ng mga katutubo bilang pinuno ng paaralan. Sinulat ni Benjie Tolosa.
Noli Me Tangere ni Jose Rizal Sinimulan ni Jose Rizal ang unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid nang siya ay nag-aaral ng medisina. Pagkatapos mag-aaral, nagtungo siya sa Paris at ipinagpatuloy ang pagsulat. Sa Berlin natapos ang huling bahagi ng nobela. Mula sa Jose Rizal University.
Jose Rizal, Ang Kanyang El Filibusterismo Buod ng bawat kabanata ng ika-2 makasaysayang nobela ni Jose Rizal tungkol sa pagmamalabis ng mga frayle sa Pilipinas nuong panahon ng Espanyol.
Ang Tulang Pilipino Ang kasaysayan ng tula sa Pilipinas, pagbabago sa 5 mahahalagang panahon mula sa mga bugtong at sawikain hanggang sa pasyon at kritisismo. Sinulat ni Ferdinand Floresca.
Babae, Ayon Kina Bonifacio, Jacinto At Mabini Ang mga sinulat nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Apolinario Mabini tungkol sa halaga ng mga babae sa lipunan ng Pilipino. Sinulat ni Ma. Luisa T. Camagay
Digmaang Pilipino-Amerikano Ang Philippine-American War ay digmaan sa pagitan ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos at ng Pilipinas mula 1899 hanggang 1913. Mula sa Wikipedia
I Shall Return Itinuring na bayani ng mga Pilipino si Heneral Douglas MacArthur, ang pag-asa at idolo ng mga gerilya nuong panahon ng Hapon. Sinulat ni Aliza Conde.
Andres Bonifacio: Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog Pahayag ng dakilang bayani ng Himagsikan nuong 1896 tungkol sa pagsakop at pag-api sa mga Pilipino ng mga Kastila, na nilathala sa “Kalayaan,” ang pahayagan ng Katipunan.
Mga Kundiman ni José Rizal Ang “Kundiman” at ang “Alin Mang Lahi” ay José Rizal sa Tagalog, at ang “Awit ni Maria Clara” ay unang isinulat sa kabanata 23 ng Noli Me Tangere. Halos lahat ng kundiman ay mga kanta na nagsasaad ng pag-ibig sa tinubuang lupa. Nauso ang Kundiman noong panahon ng mga Kastila kung kailan walang kalayaan ang mga Pilipino.
Ang Unang Espaniol Ulat ni Antonio Pigafetta ng paglakbay ni Ferdinand Magellan, pagdating at pagkapatay sa Pilipinas, at ang unang layag pag-ikot sa mondo.
Ang Katipunan Isang dula ni Gabriel Beato Francisco na inilathala sa Quiapo, Manila, nuong 1899, panahon na ng Amerkano sa Pilipinas. Mahalaga sa pagtalakay ng bigkas at sulat sa Tagalog nuong panahon ni Andres Bonifacio. Minsan lamang natanghal itong dula, sa Teatro Oriental.
Andres Bonifacio: Kartilyang Makabayan Mga Tanong at Sagot Ukol Kay Andrés Bonifacio at sa Katipunan, ni Hermenegildo Cruz sa Maynila nuong 1922. Sa “The Project Gutenberg EBook” website.
Andres Bonifacio, Nagtatag ng Katipunan Inutusan ni Emilio Aguinaldo si General Pio del Pilar na iwanan si Andres Bonifacio upang madakip at bitayin ng mga tauhan ni Aguinaldo sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.
Ladinos, Unang Filipino Bilinguals Paraang ginamit ni Tomas Pinpin nuong 1610 at ng iba pang Pilipino upang madaling matutunan ang salitang Español. Ni Marilyn A. Parra.
Mga Unang Aklat sa Pilipinas Nuong ika-15 siglo, upang maunawaan ng mga Pilipino ang relihiyon ng mga Kastila, nag-aral ang kanilang mga misyonaryo ng ating wika at sila ring kauna-unahang bumuo ng vokabularyo at aklat balarila sa wikang Filipino. Ni Princess Onciano
Pagkakana ng Repúblika ng Pilipinas Panukala ni Apolinario Mabini ng ‘constitution’ o kasulatan ng katauhan ng bayan na ipinalimbag ni Emilio Aguinaldo sa Cavite nuong 1898 upang mabasa ng buong ‘gobierno revolucion.’ Ayon kay Mabini, kailangang magkaruon ang bayan ng kahit kaunting aninaw sa katayuan at buhay ng isang bayang malaya. Nasa The Project Gutenberg eBook.
Hemano Pule, Bayaning Taga-Lucban Si Apolinario dela Cruz ay isa sa mga unang Pilipino na lumaban para sa kalayaan at pagtanggol ng lahi. Sinulat ni Jyrvie J. Vargas.
Codigo Ng Kasaysayan Ng Pilipinas Ang mga mahalagang happenings sa historia ng Pilipinas na naghugis sa katauhan o soul ng mga Pilipino.
Kasaysayan Ng Hagonoy Pangunahing bayan sa Bulacan na pinangalanan ng isang halamang damo na masarap pansahog sa pagkain at panggamot sa mga sugat at sakit sa balat.
Ang Pinagmulan Ng ‘Bayang Magiliw’ Noong ika-5 ng Hunyo 1898 hinirang ni Emilio Aguinaldo si Julian Felipe, piyanista at kompositor ng Kabite, na umakda ng isang martsa para sa mga maghihimagsik. Noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite, unang tinugtog ang himig ng marcha nacional ng banda ng San Francisco de Malabon (ngayon ay Heneral Trias).
Liham ni Jose Rizal Para sa mga dalaga sa Malolos, Bulakan, nuong Febrero, 1889 mula sa Europa tungkol sa kanyang novela, Noli Me Tangere, at ang papel ng mga babae sa ikabubuti ng bayan. Mula sa Project Gutenberg.
Si Tandang Basio Macunat Kasaysayan ng Pilipinong ayaw pag-aralin ang kanyang anak ng Español at ang dalamhati ng familia nang matuto ang anak na lalaki. Sinulat ni Miguel Lucio y Bustamante, frayleng Franciscan sa Manila nuong 1885. Sa Project Gutenberg project website.
Kasaysayan Ng Pilipinas Mga ulat ng karanasan ng Pilipinas, gaya ng simbulo ng watawat, ang pahayag ng pagsasarili, at iba pa. Sinulat ni Camille Aquino at mga kasama upang makatulong sa mga guro, estudyante at mga nagsasaliksik nang walang bayad.
Katayuan, Ambag ng Linggwisktiks sa Pilipinas Pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas mula panahon ng Español (1565-1898) hanggang panahon ng Amerkano at kasalukuyan (1898-1998). Ni Jessie Grace U. Rubrico.
Himagsikan sa EDSA Walang Himala! Himagsikan sa EDSA, ang kaisa-isang pahayag sa Tagalog ng aklasang "people power" nuong 1986. Mula kay Angela Stuart-Santiago.
Pilipinas Nuong Nakaraan Sinulat ni Sofronio G. Calderón nuong 1907 ang dating kasaysayan ng Lupang Tinubuan na halos nalilibing sa limot ngayon, lubhang mahalaga sapagkat ang nakaraan ang siya nating pinagbabakasan ngayon, sampu ng hinaharap. Nasa Project Gutenberg website.
Gamot Sa Maysakit Nuong 1760s Ang Mahusay na Paraan nang Pag Gamot sa manga Maysaquit, sinulat ni Samuel Auguste David Tissot nuong 1760s, isinalin sa Tagalog ni Frayle Manuel Blanco, at nilathala sa Manila nuong 1916. Mula sa Project Gutenberg Project.
Ang Wika ng Karunungang Filipino Umunlad ang Filipino sa kabila ng kawalang-malasakit ng mga opisyal ng pamahalaan, ng mga mayaman, makapangyarihan at nakapag-aral. Sanaysay ukol sa pagsikap, o kakulangan, ng Surian ng Wikang Pambansa, Komisyon sa Wikang Filipino, at Sentro ng Wikang Filipino sa University of the Philippines. Sinulat ng punong patnugot ng UP Diksiyonaryong Filipino, si Virgilio S. Almario.
Diksiyonaryong Filipino sa Bagong Milenyum Apat na siglo ng pagsisikap sinupin ang bokabularyong Pilipino, simula sa ‘Arte y reglas de la lengua tagala’ ni Fray Francisco Blancas de San Jose nuong 1610 at sa ‘Vocabulario de la lengua tagala‘ ni Fray Pedro San Buenaventura nuong 1613, hanggang sa ‘Diksiyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles’ ni Dr. Jose Villa Panganiban nuong 1972, at sa ‘Vicassan’s Pilipino-English Dictionary’ ni Vito C. Santos nuong 1978. Sinulat ni Emil Q. Javier, Pangulo ng University of the Philippines.
Ebolusyon ng Wikang Pilipino Ang paglinang ng wikang pambansa mula sa “alibata” o alif-ba-ta sa Arabo nuong bago dumating ang mga Español, hanggang sa tinawag ni Professor Leopoldo Yabes na “Tagalog Imperialism” sa kasalukuyan. Sinulat nina nina Gester Jeff Quilala, Mary Thrasher Jose, Lutchie Anne Coral at Gilbert Casado sa The LANCE, ang Official Student Publication ng Colegio de San Juan de Letran.
Kundiman Ni Jose Rizal Dito lamang sa bukod tanging website mapapakinggan nang libre ang mga musikang kundiman na nilikha ni Jose Rizal at ng mga dakilang kompositor tulad nina Abelardo at Santiago.
Mga Dakilang Pilipino Ang mga bayani ng Pilipinas, mula kay Ali Mudin hanggang kay Jose Rizal. Tinipon at inalay ni Jose N. Sevilla nuong 1922 upang mapag-aralan ng mga kabataan. Kasipi ang ‘Decalogo’ ni Apolinario Mabini at ang ‘Huling Paalam’ ni Rizal, isinalin mula sa wikang Español. Nasa Project Gutenberg website.
Mga Hispanismo sa Filipino Ang pagbaklas sa 20 titik na abakadang itinakda nuong una para makabuo ng “Wikang Pilipino,” at ang pagbuklod ng 4 wikang Español - castellano, gallego, vasco at catalan - upang mapalawak ang makabagong “Filipino.” Mula sa pahayag ni Teresita A. Alcantara sa Philippine Linguistics Congress nuong Enero 2006.
Sulatan Ng 2 Binibining Urbana At Feliza Pagturo ng mabuting ugali nuong panahon ng Español, pati na ang pag-ibigan, kalinisan at paglalasing. Sinulat ni Modesto de Castro bago 1864 nang siya ay namatay nang maaga. Nalathala sa Manila nuong panahon na lamang ng Amerkano, nuong 1902. Nasa Project Gutenberg website.
Jose Rizal: Ang Buhay At Mga Ginawa Niya Talambuhay ng Bayani ng Pilipinas mula pagkabata hanggang balam sa mga ginuo, Español at Amerkano pagkatapos siyang bitayin sa Bagumbayan. Bahagi ng aklat ni Pascual H. Poblete nang isinalin niya ang Noli Me Tangere sa Tagalog nuong 1909. Nasa Project Gutenberg Ebook website.
Sinaunang Tao Sa Cordillera Kaiba ang kasaysayan sa Kordilyera kaysa malaking bahagi ng Pilipinas na napasailalim sa kaharian ng Espanya. Nanatiling malaya ang kalakhan ng Kordilyera halos 250 taon mula nang pumasok ang Espanyol. Sinulat ni Rowena Reyes-Boquiren ng Unibersidad ng Pilipinas Baguio.
Paghamak Kay Jose Rizal "¡CAIÑGAT CAYO! Sa mañga masasamang libro,t, casulatan" ang pamphlet ni José Rodriguez, isang frayleng Augustinian, na ipinamudmod nang libre nuong 1888 upang hamakin ang mga sinulat ni Jose Rizal. Mula sa Project Gutenberg website.
Mga Bayaning Ibaloy Ang kabayanihan ng mga lider na Ibaloy gaya nila Kidit, Lacaaden at Dulso sa kilala ngayong “Battle of Tonglo” laban sa Espanyol noong Marso 1759 sa Benguet. Sinulat ni Rowena Reyes-Boquiren ng Unibersidad ng Pilipinas Baguio.
Walang Panahon Ang harangan at bakbakan ng mga magbubukid at mga pulis sa Calle España at tulay Mendiola nang ganapin ang PaMag o Paaralang Magbubukid ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa UP Diliman noong Hunyo 8-10, 2006. Lumuwas sa Maynila ang daang-daang magsasaka at nagprotesta sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa ika-18 anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Sinulat ni Soliman Agulto Santos.
Mga Aral ng Katipunan, ni Emilio Jacinto Kartilya ng mga utos na dapat tupdin ng mga kasapi sa Katipunan nuong Himagsikan ng 1896, sinulat ni Emilio Jacinto, ang "Utak ng Katipunan."
3 Babae Sa Buhay ni Rizal Malaking bahagi sa buhay ni Jose Rizal sina Teodora Alonzo, ang kanyang ina, si Leonor Rivera, ang dalagitang colegiala na iniibig ng binatilyong Rizal, at si Josephine Bracken, ang kanyang asawa. Mula sa "The Insurrecte and The Colegiala" ni Dolores S. Feria.
Inkong Logio "Ang Aking Buhay at Karanasan," talambuhay ni Eulogio Villa Urbina (1872-1954), isang Katipunero na naka-usap ni Andres Bonifacio at lumaban sa Himagsikan, sinulat niya mismo at inilathala ng kanyang apo, si Ana B. Urbina.
Unang Halalan Ng Pangulo Sa Pilipinas Ang labanan ng mga Magdalo at Magdiwang, ni Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo, sa halalang ginanap sa Tejeros, Cavite, nuong Marso 22, 1897. Sinulat ni Daniel Mendoza Anciano.